Miyerkules, Setyembre 28, 2011

May Plastik ang Mundo

May Plastik ang Mundo
(TULA) 


by 
Oddie Cruz Lacsamana

Matagal na, Juan
Matagal ng ipokrito ang laro mong ito,
Matagal nang ikaw'y may trono sa impyerno
At nilulumot na ang kapwa mo rito.
Sa iyo, lumang tugtugin na ang pag-ibig sa Diyos;
Patay na si "bigayan", itsura ni "damayan"
Ang takot ay wala na't nilamon ng siglo,
Ang ginto mong pader, malaya kay Kristo.

Matutuwa ka sa iyong panalo
Ang buhay mo'y pito, ang kotse mo'y walo
Sa bahay-ampunan, sa "Mental Hospital"
Kaharap-harap mo, kamera at potograpo.
Nagagalit kang madaya ang iba,
Napopoot kang madaig sa kita.
Bago ang maskara'y suot-suot mo na
At ang simbaha'y ginawa mong bangketa

Paluhod-luhod ka kung Linggo't Huwebes santo.
Tapos duduraan mo ang pulubi sa kanto
Magmumura ka't manloloko ng tao
Nasisikmura mo ang ganitong serbisyo?

Juan, oh, Juan!
Bakit? Oh bakit ba?
Ang magandang larawa'y ginawa mong dikdikan.
Dapat bang iigaw at ipagbulgarang ...
Binalot mo ng PLastik... ang mundo, ang mundo!!!







Filipino1
Assignment:


Basahin ang tulang "May Plastik ang Mundo"

1 komento:

  1. binalot na talaga ng plastik ang mundo ngayon kahit saan ka tumingin lalo na sa mga katrabaho mo mga plastik sila. kung kaharap mo sila maganda kausap pro ang hindi mo alam pagtalikod mo dinodoraan ka. plastik talaga mga basura

    TumugonBurahin